BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, March 9, 2011

Hayskul Life

Sabi nga ng nakararami, "High school life is one of the most happiest moment" sa ating buhay. Tama! Masaya ang high school life. Maraming mga pangyayaring di malilimutan. Masya ako sa school na napili kong pasukan dahil dito ko nakilala ang mga taong nagturo, nagpasaya, nagpalungkot, nang-inis, nanukso at syempre yung nagpatibok ng aking puso (?). Hay! kaysarap talagang alalahanin ang buhay hayskul. Aabutin siguro ako ng 48 years bago matapos ang aking pagkuklwento kaya pipiliin ko nalang yung mga talagang memorable sa akin.
First Year (Adjustment Period)
Pag-aadjust dahil panibagong kabanata na naman ang aking tatahakin, panibagong kapaligira at mga taong aking makasasalamuha. Walka pang masyadong nakaatang na mga Gawain sa amin noon. Wala pang mga nakaiistress na problema. Kaya madalas ay puro kasiyahan an gaming pinagsasaluha. Pag wala na kaming ginagawa sa hapon kami ay bumabalik sa pagkabata. Kami’y nag-haharang-taga, piringan ng mata, habulan, sipa at marami pang iba. (Mga bata pa talaga kami). Ditto nagsimula ang pagkakaroon ng panibagong barkada na halos ayaw nang maghiwa-hiwalay. (Lalo na pag may group activity diba?). sukdulang gagawin ang lath para lang magkakasama. Syempre ditto rin nagsisimulang magkaroon ng mortal enemy, ultimate crus at marami pang mga “first time” na naranasan as a first year.
Second Year (Teamwork sa isat-isa)
Malungkot dahil hindi na kami kumpleto. Ang ilan ay lumipat ng school o kay naman ay nagkaroon ng bagsak. Malungkot isipin na sila’y lilisan na ngunit may panibagong kamag-aaral naman na dumating. Mas nagkaroon ang teamwork naming sa isa’t isa na hindi naaappreciate ng iba. Ang masaklap pa kami ay napapsama dahil sa pagiging concern sa bawat isa. (Well, talagang ganun.) may klasmeyt pla akong hindi ko talaga malilimutan. Panagalanan nalang natin syang _z_z. (Gets?). di ko malilimutan dahil sa sobrang kalikutan, malaks mantrip. As in talaga!. Sya pa nga ang bumansag sakin ng ****** eh! (bawal sabihin) na hanggang ngayon ay tuko parin sa akin ng iba kong mga classmate. (Kainis talaga! Hindi na makamove on). Pero kahit na sya ay nakaiinis, ayos at amsaya rin naman syang kasama (?)  dati naïve yun pero ngayon for sure malaki na ang pinagbago. Nakanonosebleed na sya sigurong kausap. Laking London na kasi eh. (Sosyal). 5 years na pala since he left us. (drama!) Uy! Pasalubong naming ah, don’t forget ().

0 comments: